Ang Huling Mambabatok

Related image
Whang-Od

Sa lugar ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga matatagpuan ang huling mambabatok na si Whang-Od o mas kilala bilang si Maria Oggay. Ipinanganak si Whang-Od nuong Pebrero 17, 1917. Sya ang huli at ang pinaka martandang mambabatok sa lugar Buscalan. Ang pangbabatok ay ayon sa paniniwala ng mga nasa tribo. Ayon sa tribo ito ay isang tradisyunal na pagta-tattoo na kung saan ang ginagamit na pang ukit ay ang tinik ng suha at tinta ng uling.

Nag simula si Whang-Od na maging mambabatok sa edad na 15 taong gulang, natutunan nya ang pangbabatok sa kanyang tatay. Kasabay sa tradisyon ng pang babatok ay ang pag gawa nito sa mga Butbut, ang mga butbut ay ang mga pumapatay at na ngongolekta nang mga ulo bilang torpeyo. Ang mga Butbut warriors ay ang mga pumo-protekta sa mga katribo nila. Ginagawa nya din ang pangbabatok sa mga babae ng Buscalan.

Si Whang-Od ay walang asawa't anak, namatay ang dati nyang kasintahan kaya't hindi na sya nag asawa pa. 'Ang-Batang' ay ang ngalan ng nobyo nuon ni Whang-Od, madaming tumututol sa kanilang relasyon nuon. Kalauna'y pinagka sundo ang kaibigan ni Whang-Od at si 'Ang-Batang'. Hanggang sa naging 25 taong gulang na si Whang-Od ng mabalitaan nyang namatay si 'Ang-Batang' sa World War II.

Meron ding sariling tattoo si Whang-Od, ang unang tattoo nya ang ladder at python. Ang Fatok ay ang pag-ukit para lang sa mga babae na nag sisimbulo bilang kagandahan at kasaganahan. Ang Fi-ing naman ay ang pag ukit naman sa mga lalake sa kanilang dibdib at braso. Habang nagbabatok si Whang-Od ay hinuhulaan nya ang mga nagbabatok. Naipalabas na din si Whang-Od sa mga show sa mga telibisyon katulad ng 'Matanglawin'

Comments