Posts

Showing posts from September, 2018
Image
Ang Huling Mambabatok Whang-Od Sa lugar ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga matatagpuan ang huling mambabatok na si Whang-Od o mas kilala bilang si Maria Oggay. Ipinanganak si Whang-Od nuong Pebrero 17, 1917. Sya ang huli at ang pinaka martandang mambabatok sa lugar Buscalan. Ang pangbabatok ay ayon sa paniniwala ng mga nasa tribo. Ayon sa tribo ito ay isang tradisyunal na pagta-tattoo na kung saan ang ginagamit na pang ukit ay ang tinik ng suha at tinta ng uling. Nag simula si Whang-Od na maging mambabatok sa edad na 15 taong gulang, natutunan nya ang pangbabatok sa kanyang tatay. Kasabay sa tradisyon ng pang babatok ay ang pag gawa nito sa mga Butbut, ang mga butbut ay ang mga pumapatay at na ngongolekta nang mga ulo bilang torpeyo. Ang mga Butbut warriors ay ang mga pumo-protekta sa mga katribo nila. Ginagawa nya din ang pangbabatok sa mga babae ng Buscalan. Si Whang-Od ay walang asawa't anak, namatay ang dati nyang kasintahan kaya't hindi na sya nag asawa pa. 'A